Pananaliksik sa Edukasyong Panrelihiyon Gamit ang Etnograpikong Pamamaraan: Isang Pagdadalumat

Authors

  • Arvin Eballo UNIVERSITY OF SANTO TOMAS

Abstract

Ang salitang etnograpiko ay hango sa wikang Griyegong ethnos na tumutukoy sa pangkat ng mga tao o etniko at ang graphia naman ay nangangahulugang pagsusulat. Samakatuwid, ang pamamaraang ito ay naglalayong saliksikin at isulat ang buhay at pamumuhay ng isang pangkat etniko sa pamamagitan ng pakikipamuhay ng mananaliksik o fieldwork. Ang pamamaraang ito ay kadalasang ginagamit sa larangan ng agham panlipunan, partikular sa antropolohiya at sa ilang mga sangay ng sosyolohiya. Sa diwang ito, naisin ng mananaliksik na ilahad ang kaangkupan ng etnograpikong pamamaraan upang saliksikin ang mga paksang magkaugnayan sa Edukasyong Panrelihiyon at Teolohiya gaya ng mga ritwal o debosyon na itinuturing na mahalagang bahagi ng buhay ng mga tao. Papatunayan ng mananaliksik na hiyang at gamayang etnograpikong pamamaraan upang saliksikin ang mga paksang may kaugnayan sa relihiyon at pananampalataya ayon sa kanyang karanasan. Ilalahad din niya ang mga tukoy na pamamaraan ng etnograpikong pananaliksik gaya ng pagtatanung-tanong, pakikipagpalagayang-loob, pagmamasid, at pakikisangkot. Bilang diskurso, kasama ring ilalahad ang iba pang katutubong pamamaraan na angkop sa kalagayan at kamalayan ng mga Pilipino tulad ng ipinamalas ng mga eksperto gaya nina Dr. Prospero R. Covar at ang kanyang teoriya na ang pagkataong Pilipino ay maikukumpara sa isang banga na may labas, loob, at lalim; Dr. José M. De Mesa at ang kanyang pamamaraang kultural sa pagteteolohiya; Dr. Zeus A. Salazar at ang kanyang Pantayong Pananaw; at Dr. Teresita B. Obusan at ang kanyang pamamaraang hiyang.

Published

2024-09-09

How to Cite

Eballo, A. (2024). Pananaliksik sa Edukasyong Panrelihiyon Gamit ang Etnograpikong Pamamaraan: Isang Pagdadalumat. National Conference on Catechesis and Religious Education Conference Proceedings, 12, 68. Retrieved from https://hitik-journal.reapph.org/NCCRE/article/view/38