Wika sa Kasaysayan at Kultura ng Pananampalataya sa Pilipinas


Received: September 09, 2024 | Published: September 09, 2024

Authors

  • Dorothy Javier-Martinez DE LA SALLE UNIVERSITY, MANILA
  • Gloria Antonio DE LA SALLE UNIVERSITY, MANILA

Abstract

Batay sa kasaysayan at karanasan bilang mga Filipino, masasabi na malaki ang kinalaman ng paggamit ng wikang kinagisnan upang maunawaan nang lubos ang pananampalataya at ang lahat ng nakapaloob dito. Ang iba’t ibang porma ng wika: berbal, di berbal, at wika ng katahimihan ang nagsisilbing pundasyon upang ganap na maipahayag ang Diyos na pinapaniwalaan, maging saksi ng mga turo ng Simbahan, at makapamuhay nang may katuturan at katapatan sa mga aral na tinanggap at isinapuso.

Sa sulating ito, ginamit ang talaban ng wika at kultura sa pagbabalik-tanaw sa apat na yugto ng kasaysayan ng Pananampalatayang Kristiyano sa Pilipinas: (1) pagdating ng Kristiyanismo sa Pilipinas bago ang 1900, (2) panahon ng Unang Konsilyo Vaticano noong 1900-1961, (3) panahon ng Ikalawang Konsilyo Vaticano noong1962-1999, at (4) kasalukuyang panahon, taong Jubileo hanggang panahon ng Sinodo 2020-2024. Ipinakita sa bawat panahong nabanggit ang mahalagang papel ng wika sa pagpapalaganap ng pananampalatayang Kristiyano sa ating sambayanan.

 

Siniyasat sa papel na ito ang hamon sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita ayon sa wika, kultura at karanasan ng mga mananampalataya, gayundin ang mga paraan ng pagsasabuhay nito. Napakahalaga na maipahayag ang Salita ng Diyos at pananampalataya sa sariling wika na madaling maunawaan at maisapuso ng mga tagapakinig, upang magamit ito nang lubusan sa potensyal nito. Kapuwa binigyang-diin sa akdang ito ang wikang binibigkas at wika ng pananalig upang mapalalim ang pananampalataya ng isang Filipino. Sa puso ng mambabasa ay maiiwan ang pagkamangha na malayo na ang narating ng paggamit ng wika sa larangan ng ating pananampalataya at pagsamba.

Published

2024-09-09

How to Cite

Javier-Martinez, D., & Antonio, G. (2024). Wika sa Kasaysayan at Kultura ng Pananampalataya sa Pilipinas. National Conference on Catechesis and Religious Education Conference Proceedings, 12, 70. Retrieved from https://hitik-journal.reapph.org/NCCRE/article/view/40