EKYUMENIKAL NA PAGKILOS NG MGA TAONG SIMBAHAN AT SAYSAY NG BASIC ECCLESIAL COMMUNITY LABAN SA BATAAN NUCLEAR POWERPLANT NOONG PANAHON NG DIKTADURYANG MARCOS (1972-1986)


Received: September 09, 2024 | Published: September 09, 2024

Authors

  • John Kurt Tañada Polytechnic University of the Philippines, Philippines

Abstract

Malaki ang gampanin ng simbahan di lamang sa aspektong espiritwal kundi pati na rin sa aspektong panlipunan at pangkapaligiran ng isang bansa. Bahagi ng pananampalatayang Kristiyano sa Pilipinas ang kahalagahan na mailapat ang ideya na mga naniniwala sa pananampalatayang ito ay tagapangalaga ng sangkalibutan na ipinagkatiwala ni Hesu Kristo sa mga ito. Ngunit, ang interbensyon ng simbahan sa iba’t ibang proyektong panlipunan at pangkapaligiran ay nalimitahan dahil na rin sa pagkakahati ng simbahan at estado ayon sa konstitusyon ng Malolos, na naging sanhi upang hindi bigyang saysay ang pananaw ng mga relihiyoso pagdating sa iba’t ibang proyektong panlipunan katulad na lamang malaking bahagi nito sa pagpapasara ng Bataan Nuclear Power Plant. Isang proyekto na ipinatayo sa ilalim ng Diktaduryang Marcos (1972-1986) na nagdudulot ng samu’t saring kapinsalaan sa kapaligiran at kalusugan ng tao.

Layunin ng papel na ito na maitampok ang ekyumenikal na pagkilos ng mga taong simbahan laban sa pagtatayo ng Bataan Nuclear Power Plant na mayroong malaking epekto sa aspektong pangkapaligiran, pang-ekonomiya, at panlipunan ng probinsya. Bibigyang-saysay ang pagsasagawa ng Basic Ecclesial Community bilang tugon sa mga suliraning pangkapaligiran na kakabit sa proyektong Bataan Nuclear Power Plant. Ang ganitong uri ng naratibo o/at salaysay ay nagpapakita ng maigting pagtuligsa sa iba’t ibang mga mapaminsalang proyektong panlipunan ng pambansang pamahalaan na hindi binibigyang pansin ang negatibong epekto nito sa ugnayan ng mga tao sa kanyang espasyo o/at kapaligiran. Mahalaga ang ganitong uri ng pagbibigay kabuluhan sa pagkilos at reaksyon ng mga tao upang mas maunawaan ang kahalagahan ng myutwal na ugnayan pagdating sa iba’t ibang usaping pangkapaligiran at panlipunan na nakaaapekto sa kondisyon ng pamumuhay ng mga tao sa isang partikular na lipunan at panahon.


Downloads

Published

2024-09-09

How to Cite

Tañada, J. K. (2024). EKYUMENIKAL NA PAGKILOS NG MGA TAONG SIMBAHAN AT SAYSAY NG BASIC ECCLESIAL COMMUNITY LABAN SA BATAAN NUCLEAR POWERPLANT NOONG PANAHON NG DIKTADURYANG MARCOS (1972-1986). National Conference on Catechesis and Religious Education Conference Proceedings, 11, 42–43. Retrieved from https://hitik-journal.reapph.org/NCCRE/article/view/72